Friday, July 20, 2012

Dear You


Dear You,

(oo, dahil sikat ang mga tema na ukol sa ibang tao kaya heto at makikigaya ako)

Dear You,

Gusto ko sanang simulan ang paksang ito sa simpleng “kumusta ka na?” o pwede din “ang weirdo mo talaga.” Alam mo na ang ibig kong sabihin doon sa pangalawa. Sa pagkakatanda ko, umabot na tayo sa punto na gumagawa na tayo ng mga private jokes. Pero mukhang hindi sa ganoon ko sisimulan ito.

Sisimulan ko ito sa: Pwede bang huwag ka nang mag-log-in sa Facebook? O magpakita sa akin ng pasulpot-sulpot?

Nakakagago lang kasi talaga eh. Wala ka naman talagang kasalan sa akin. Ako lang itong nagmamaganda at nag-iinarte. Ang hirap kasi, You. Kahit pangalanan ka nga lang eh ang hirap na. You, pramis wala tayong away. Ang problema lang kasi napapangiti ako kapag nakikita kita. Oo, napapangiti ako. At hindi yung ngiti na pa-cute na tipong pang-profile pic. Yung ngiting bungisngis. Yung ngiti ala Cheshire Cat. Yung nakakatakot na ngiti na kapag nakikita ko ang mukha ko sa mukha ng laptop ko ay natatakot ako kasi bukod sa pakiramdam ko ay magiging bato ako, natatakot ako sa kung anomang gawa ng diablo na nagpapangiti sa akin. Nahuhuli ko ang sarili ko na nagtatanong, “Ano ba ‘to?”

Anak ng tinapa…Tama bang nangyayari ito? Habang sinusulat ko ito ay sinasabayan pa ako ng kantang The Only Exception na ringtone ng katabi ko dito sa comshop. Leche. Ganda ng timing eh.

Balik tayo… Oo, napapatanong ako. Naiisip kita kahit hindi naman dapat o kahit hindi ko sinasadya. Kahit walang stimuli, naiisip kita. Ayokong tanungin ang tanong na iyon. Ayokong tanungin. Hindi ito iyon. Tamaan man ako ng lintik.

Mabuti tayong magkaibigan, You, at siguro ayaw ko iyong masira. Masyado ka kasing gwapo. Hindi mo lang alam. Oo, gwapo ka, tanga. May salamin ka naman, 'di ba? Hindi ko gets ba’t pinili mo maging weirdo kung may itsura ka naman talaga. Ewan ko ba.

Kaya, You, heto. Aaminin ko. Napapangiti ako kapag nakikita ko ang mukha mo. Mapapangiti din ako kapag on ang green light sa tabi ng pangalan mo sa FB Chat. Lagi kong pinipigilan ang sarili ko na i-double-click ang pangalan mo at makipag-chat sa iyo dahil iyon ay LAME! LAAAAME!! I tell you. Oo, gusto kita pero hindi ako desperada. Alam kong PARE ang tingin mo sa akin. Lagi tayong nag-iinuman. Drinking buddies kung baga kaya alam kong wala akong tama sa iyo pero ako kasi tinamaan sa iyo eh.

Lecheng mga lovesongs ‘to!!! Tumigil na kayo! Ba’t ba kayo pa ang laging ginagawang ringtones, hah?!!!

Ewan ko ba kung ito ba yung TAMA na sinasabi nila o may tama lang talaga ako pero ang masasabi ko lang sa ngayon, I’m screwed. Yun lang. Leche ka. Wag ka na kasing ngumiti. Wag ka nang magpakita. Wag ka nang mag-FB. Oo, inuutusan kita dahil mas may social life ako sa iyo at aminado ka doon. Gusto ko na ngang umalis sa FB kung hindi lang dahil sa kailangan ko talaga siya. Social life. Gets mo na na yun.

Sa susunod na magkikita tayo, iiwasan na kita. Magpapanggap ako na hindi kita nakita. Magpapanggap akong nagtetext o lagi akong mag-ea-earphones para hindi kita marinig kahit tawagin mo ako ng paulit-ulit. Alam kong gawain mo mo yung biglang susulpot sa harap ko, manggugulat dahil wala lang. Lalakad nalang ako ng mabilis o mag-jojog. Total hindi ka naman athletic, hindi mo ako mahahabol. Medyo lampa ka kasi. Pero don’t get me wrong. Cute yung pagiging lampa mo. Well, cute para sa akin. Muka ka kasing kamatis kapag napagod o nahihiya o sobrang tuwa.

Gwapo ka na nga, cute ka pa! Ano pang gusto mong adjective? At ibibigay ko sa iyo! Leche.

Ayan. Napahiya ko na ang sarili ko. Siguro sapat na ito. Kahit kalian hindi mo ito malalaman, You. Unless tamaan ka ng blog na ito which I doubt. Wala namang nagbabasa ng blog na ito. So the winner? ME!!! Hahahahahahahaha  

Sinabi ko na sa iyo na nakakagago lang talaga eh. Tignan mo ako ngayon. Kainis.

OUT!

2 comments:

  1. Hahahahaha Inlababo si Ched! Alam naba ni Cy to?

    Kung ako sayo, iverify mo muna ang mga bagay2 bago ka umiwas. I-FLAMES mo muna, malay mo meant to be pala kayo. Sayang naman, gwapo pa naman sya at cute! Ayiiii

    ReplyDelete
  2. LECHE!!! Nakasulat na walang nagbabasa ng blog na to sabay basa naman kayo!!! leche! hahahahahaha anyways, WAG niyong sasabihin kay ATE! Magsosomersault yun ng bongga at hindi niya na kaya dahil hindi na siya street jazz. hahahaha

    ReplyDelete