Dear You,
(oo, dahil sikat ang mga tema na ukol sa ibang tao kaya heto
at makikigaya ako)
Dear You,
Gusto ko sanang simulan ang paksang ito sa simpleng “kumusta
ka na?” o pwede din “ang weirdo mo talaga.” Alam mo na ang ibig kong sabihin
doon sa pangalawa. Sa pagkakatanda ko, umabot na tayo sa punto na gumagawa na
tayo ng mga private jokes. Pero mukhang hindi sa ganoon ko sisimulan ito.
Sisimulan ko ito sa: Pwede bang huwag ka nang mag-log-in sa Facebook? O magpakita sa akin ng pasulpot-sulpot?
Nakakagago lang kasi talaga eh. Wala ka naman talagang
kasalan sa akin. Ako lang itong nagmamaganda at nag-iinarte. Ang hirap kasi, You. Kahit pangalanan ka nga lang eh ang hirap na. You, pramis wala tayong
away. Ang problema lang kasi napapangiti ako kapag nakikita kita. Oo,
napapangiti ako. At hindi yung ngiti na pa-cute na tipong pang-profile pic. Yung
ngiting bungisngis. Yung ngiti ala Cheshire Cat. Yung nakakatakot na ngiti na
kapag nakikita ko ang mukha ko sa mukha ng laptop ko ay natatakot ako kasi bukod
sa pakiramdam ko ay magiging bato ako, natatakot ako sa kung anomang gawa ng
diablo na nagpapangiti sa akin. Nahuhuli ko ang sarili ko na nagtatanong, “Ano
ba ‘to?”
Anak ng tinapa…Tama bang nangyayari ito? Habang sinusulat ko
ito ay sinasabayan pa ako ng kantang The Only Exception na ringtone ng katabi
ko dito sa comshop. Leche. Ganda ng timing eh.
Balik tayo… Oo, napapatanong ako. Naiisip kita kahit hindi
naman dapat o kahit hindi ko sinasadya. Kahit walang stimuli, naiisip kita.
Ayokong tanungin ang tanong na iyon. Ayokong tanungin. Hindi ito iyon. Tamaan
man ako ng lintik.
Mabuti tayong magkaibigan, You, at siguro ayaw ko iyong
masira. Masyado ka kasing gwapo. Hindi mo lang alam. Oo, gwapo ka, tanga. May salamin
ka naman, 'di ba? Hindi ko gets ba’t pinili mo maging weirdo kung may itsura ka
naman talaga. Ewan ko ba.
Kaya, You, heto. Aaminin ko. Napapangiti ako kapag nakikita
ko ang mukha mo. Mapapangiti din ako kapag on ang green light sa tabi ng
pangalan mo sa FB Chat. Lagi kong pinipigilan ang sarili ko na i-double-click
ang pangalan mo at makipag-chat sa iyo dahil iyon ay LAME! LAAAAME!! I tell
you. Oo, gusto kita pero hindi ako desperada. Alam kong PARE ang tingin mo sa
akin. Lagi tayong nag-iinuman. Drinking buddies kung baga kaya alam kong wala
akong tama sa iyo pero ako kasi tinamaan sa iyo eh.
Lecheng mga lovesongs ‘to!!! Tumigil na kayo! Ba’t ba kayo
pa ang laging ginagawang ringtones, hah?!!!
Ewan ko ba kung ito ba yung TAMA na sinasabi nila o may tama
lang talaga ako pero ang masasabi ko lang sa ngayon, I’m screwed. Yun lang.
Leche ka. Wag ka na kasing ngumiti. Wag ka nang magpakita. Wag ka nang mag-FB.
Oo, inuutusan kita dahil mas may social life ako sa iyo at aminado ka doon.
Gusto ko na ngang umalis sa FB kung hindi lang dahil sa kailangan ko talaga
siya. Social life. Gets mo na na yun.
Sa susunod na magkikita tayo, iiwasan na kita. Magpapanggap
ako na hindi kita nakita. Magpapanggap akong nagtetext o lagi akong mag-ea-earphones
para hindi kita marinig kahit tawagin mo ako ng paulit-ulit. Alam kong gawain mo
mo yung biglang susulpot sa harap ko, manggugulat dahil wala lang. Lalakad nalang ako ng
mabilis o mag-jojog. Total hindi ka naman athletic, hindi mo ako mahahabol.
Medyo lampa ka kasi. Pero don’t get me wrong. Cute yung pagiging lampa mo.
Well, cute para sa akin. Muka ka kasing kamatis kapag napagod o nahihiya o
sobrang tuwa.
Gwapo ka na nga, cute
ka pa! Ano pang gusto mong adjective? At ibibigay ko sa iyo! Leche.
Ayan. Napahiya ko na ang sarili ko. Siguro sapat na ito.
Kahit kalian hindi mo ito malalaman, You. Unless tamaan ka ng blog na ito which
I doubt. Wala namang nagbabasa ng blog na ito. So the winner? ME!!! Hahahahahahahaha
Sinabi ko na sa iyo na nakakagago lang talaga eh. Tignan mo ako
ngayon. Kainis.
OUT!